Linggo, Oktubre 15, 2017

3 TAON, 9 NA BUWAN

Lumalaki ka na, anak. Napakabilis.
At di ko alam ang gagawin ko sa aking mga kamay.
Nasanay silang nakayakap sa iyo,
Bitbit ka, niyayapos ang pisngi mo,
Hinahawi ang iyong buhok.

Ngayon, ni ayaw mong pahawak.
"Kaya ko na!" laging sambit.

Madami ka na ngang kayang gawin.
Kumain nang mag-isa,
Magtali ng sintas ng sapatos.
Umihi sa banyo
Paggising sa umaga.
Magbihis, maligo.
Magligpit, magtupi.
Maghati ng isasahog sa pasta,
Maghalo ng mga sangkap sa macaroni.
Magsulat ng palayaw
At pirmahan ang iginuhit mo.
Mag-imbento ng sayaw,
Kanta at kuwento.

Lumalaki ka na, anak. Napakabilis.
At di ko alam ang gagawin ko sa aking mga kamay.