Lunes, Mayo 20, 2019

TRAVEL TIPS FOR MOMS



My college roommate asked me for some advice on traveling with the little one. I find that I’m not the best person to ask since I have been so forgetful these past 5 years (My daughter is now 5. I think my brain is constantly making space for her as she grows bigger, ignoring, deleting everything else. And this mantra keeps droning on: DO NOT FORGET HER ha ha ha). But since we survived commuting to and in Baguio, Boracay, Taal, Tanauan, Singapore and Malaysia, Dumaguete and Siquijor, and Coron (not to mention those frequent trips home up north), maybe I do have a few tips to share.

Kalesa ride in Vigan


PACK WAAAAY AHEAD

Yes, we have an upcoming trip next month and we are already packed. Not that we are too excited, I just don’t want to forget my undies again. On our first official trip, we have everything except my undies. My daughter can do 2 outfit changes in a day but I go commando. So pack your bags 1-2 weeks before the trip, write a list of things you need and check them.

BRING BABY BOOK, THERMOMETER AND MEDS

Kids get sick even on a trip, so bring the baby book (this is the book that lists your kid’s medical history, your visits to the pedia, medicines taken). Make sure you have a thermometer and some basic medicine (for fever, for allergies).

My daughter riding the "sikel" (how she pronounced tricycle then) in Dumaguete


BRING CRACKERS AND WATER

Getting food while on the commute is quite tricky (I once bought pugo eggs gone bad on the bus) so better to bring your own, especially for your children. Bus stop food are also seldom satisfactory. Best to bring crackers and water to tide you over until you find a suitable place to eat.

BRING TOYS AND BOOKS

You need to keep you kids amused during those long waiting hours at the airport. So be prepared with their favorite toys. One or two would suffice. Don’t forget to bring along small storybooks. My daughter loves to draw and write so I always have a pen and notebook ready.

Sleeping on a 4-hr flight


TAKE THE NIGHT TRIP

We have been going home to Ilocos even before she turned 1 year old and we always take the night trip. She sleeps through it and seldom needs to go to the toilet. We used cloth diapers when she was little and I don’t remember any incident of her pooping on her nappies on a night trip. But do stash tissue papers, wet ones and alcohol (yes, the rubbing kind) in your pockets or bag.

Also, buses are notoriously cold at night. Bring malong, blanket, or shawl (my child carrier also functions as my shawl) aside from your regular jackets. I usually bundle up my child in her most comfortable jammies (long sleeved shirt and jogging pants) and socks. I also have a hooded jacket ready.


HAVE A PHOTOCOPY OF TRAVEL DOCS READY

Just in case you lose your bag, make sure you have a photocopy of everything (IDs, tickets, passports, itineraries) in a separate bag. I learned this at 19 when I went on my first ever airplane trip. A friend made a list of thing I need photocopies of. This habit stuck and I’m glad because at the airport, they sometimes ask for my daughter’s birth certificate and I always have a copy ready (the original one I leave at home).


That’s it! You’re all set. Put everything in 1 backpack so you can carry it and carry your kid. The valuables and travel docs are best kept in a little sling bag so you don’t lose them. If you have more tips to share, please do. 

Bus trip that feels like forever!



Linggo, Oktubre 15, 2017

3 TAON, 9 NA BUWAN

Lumalaki ka na, anak. Napakabilis.
At di ko alam ang gagawin ko sa aking mga kamay.
Nasanay silang nakayakap sa iyo,
Bitbit ka, niyayapos ang pisngi mo,
Hinahawi ang iyong buhok.

Ngayon, ni ayaw mong pahawak.
"Kaya ko na!" laging sambit.

Madami ka na ngang kayang gawin.
Kumain nang mag-isa,
Magtali ng sintas ng sapatos.
Umihi sa banyo
Paggising sa umaga.
Magbihis, maligo.
Magligpit, magtupi.
Maghati ng isasahog sa pasta,
Maghalo ng mga sangkap sa macaroni.
Magsulat ng palayaw
At pirmahan ang iginuhit mo.
Mag-imbento ng sayaw,
Kanta at kuwento.

Lumalaki ka na, anak. Napakabilis.
At di ko alam ang gagawin ko sa aking mga kamay.




























Miyerkules, Setyembre 6, 2017

Ang Bagong Normal

 Paano matututunan ng aking anak na sagrado ang bawat buhay, na kailangan pahalagahan ang mga  puno, na huwag manakit (kahit pa ng kulisap) kung kaliwa't kanan, araw-araw ay may pinapaslang (pati ang mga walang muwang)?

 Anong kamalayan ang mahuhubog ng karahasan, ng pagyurak sa ating karapatan?




Mahigit isang taon na mula noong nagpasya akong bumalik sa pagtuturo. Para akong isang tauhan sa kuwento na may misteryong kailangan lutasin, isang bida na may mahalagang misyon.



Pero kung dati, ako'y puno ng pag-asa, ngayon ay umaapaw ang takot, galit at dalamhati. Hindi ko na alam ang gagawin.

Hindi ko na alam ang gagawin.

Dahil sa bawat araw na nadadagdagan ang bilang ng namamatay, ang bawat taong pinaslang ay nagiging isang bilang na lamang. Sa bawat araw na hinahayaan natin ang ganitong karahasan, ito na ang magiging bagong normal.

"Akusahan n’yo na salarin
At husgahan n’yo at barilin
Kapag malakas
Kapag may basbas
Labag sa batas ay normal

Yun na ngayon (3x)
Ang sa Pinas ang normal

O bayan kong minamahal
Liping magigiting at banal
Purihin ang Poong Maykapal
Sa mga napiling pusakal"

-Normal ni Gary Granada

Ang larawan ng aking anak ay kinuha sa Haraya Bar and Artspace kung saan itinanghal ng grupong Makising ang EjaKulated exhibit. Kabilang sa mga paintings ay ang proyekto ng aking mga estudyante noong nakaraang taon matapos namin pag-usapan sa klase ang extrajudicial killings.


Lunes, Hulyo 17, 2017

TAG-INIT 2017




Manunulat at guro din ako, kaya habang pinapanood ko ang paglaki ng aking anak, di maiiwasang i-document at suriin ang mga milestones. Lalo na sa language developement. Kumbaga, tsumo-Chomsky ako.

Pero siyempre, ang mga observations na ito ay para maaliw ang anak ko balang araw. Tatlong taon pa lamang siya pero matatas na magsalita. Filipino ang una naming wika sa bahay. Madalas rin niyang marining ang ilang Ilocano, Hapon at Ingles na mga salita.

Gumawa ako ng tala ng mga salitang hindi nya mabigkas nang tama, hindi para pag-aralan kung bakit.  Napaka-kyut lang talaga ng kanyang bigkas at kasalanan na hindi ito itala. Ang mga salitang ito rin ang nagpapahiwatig kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa panahong ito, ang tag-init ng 2017.


Bigkas  (Salita) Gamit sa Pangungusap (actual na gamit niya)

Lilipap (lollipop) -- Gusto ko ng lilipap!

Peh-lay (Reply 1988, isang Koreanovela)  --Nood tayo ng Peh-lay, nanay.

Simpol (swimming pool) – Pupunta ako sa simpol.

Swimswimsuot (swimsuit) –Yung swimswimsuot ko nasa Ilocos?

Pari (pinagsamang parang at kunwari) –Pari, bata ko ito (refering to a small towel).

Beh lang! (Joke lang!) –Ayaw kong magbike. Beh lang!

Hangkol (alcohol, yung pinapahid) –Ayaw kong maghugas, hangkol nalang.

Tawis (pawis) – Tawis na ako, nanay!

Kulintas (tirintas, sa buhok) –Gusto ko yung kulintas-kulintas, parang kay Umi.

Fah-layt (flashlight) –May fah-layt na bigay sa akin si lola, di ba nanay?

Fah-tick (chopstick) –Marunong na ako magfah-tick!




Si Liit at ang kanyang Fah-tick
Tambo (takbo) - Tito Bong, Kuya Tet, Kuya Gab tambo-tambo tayo!

Bort (boat) - Sakay tayo sa bort na malaki!

Ka-wan (pakwan) - Nakakain ang ka-wan.

Sa-tol (santol) - Maasim yung sa-tol.

Pansi (kalamansi) – tignan ang susunod na pangungusap

Hani (honey) –Gusto ko ng pansi juice na may hani.

Godort (glow-in-the-dark) –Pag-uuwi tayo sa Ilocos sa October, isususot ko yung godort.

Atsa (kutsara) – tignan ang susunod na pangungusap

Tididor (tinidor) -- May asta at tididor ang higante, no? (referring to those huge house decor spoon and fork)

Napay (tinapay)--  tignan ang susunod na pangungusap

Papingi (pahingi) –Papingi ng napay, tatay.

Papinga (pahinga) – Ano nga yung kanta? Yung papinga at laro? (kanta ni Gary Granada)

Abunes (butones) –Ayaw ko sa abunes na mata (referring to the other mother in Coraline)

Asyan (sasakyan)—Pag may asyan, tatabi ako.

Mashap (masarap) –Mashap ang ulam!

Aputer (computer) –Si tatay, nag-apuputer nanaman.

A-fon (celphone) --  tignan ang susunod na pangungusap

Kasino (kanino) – Kasino itong a-fon? Kay lolo?

Gewin (penguin) –Tatay, gewin tayo!

Sikel (tricycle) – Pag pupunta tayo sa Ilocos, sasakay tayo ng sikel, tapos bus?

Kosme (excuse me!) –Nanay, kosme! Tingin ka sa akin.

Kadiri (daliri) –Sampung mga kadiri (singing)

Naramadan (nararamdaman) --Malamig nga, naramadan ko nga.


Hindi nagtatapos diyan ang masayang listahan. Siguradong may nakaligtaan akong mga salita. Napakahilig niyang maglagay ng impit sa pangalawang pantig ng salita. At lohikal ang pagdugtong niya ng mga salita katulad nung "kasino" para sa kanino. Napick-up din niya ang pag-uulit ng unang pantig ng salita katulad dun sa "apuputer."At madalas, trending kasi ginagaya siya ng kanyang mga pinsan, lahat sila pag nagbibiro, ang sambit ay “Beh lang!”

Minsan, kami mismong mga magulang ay hindi siya maintindihan pero kung tatanungin siya at makikinig kaming mabuti, magliliwanag ang mundo.

Halimbawa, kumakain kami sa hapag kainan at sabi nya, “May asta na bigay sa kanya.” Kaytagal namin bago na-gets. Nagtanong kami “Anong kulay?” “Nakakain ba ito?” Maiyak-iyak siya sa frustration hanggang nakuha rin namin—KUTSARA pala ang ibig niyang sabihin!

Isang araw, panay ang ungot niya sa akin na gusto niya isuot ang godort. Hala! Ano yung godort? Iyon pala ang glow-in-the-dark niyang pantulog. Hahaha!

Ano ang aking take-away sa karanasang ito? Makinig po sa maliliit na bata. May sariling isip at estilo na sila sa pagproseso ng mga bagay-bagay upang maintindihan nila ang napakalawak na daigdig.




SAMPUNG MGA KADIRI





Nakatutuwang makita ang paglaki ng iyong supling, lalo na habang natututo siyang magsalita, maglakad at kumain. Araw-araw, parang may isang buslo siya ng regalo para sa amin ng tatay niya.
Habang kinakantahan ko siya ng Sampung mga Daliri, sinusubukan niyang makisabay. Kaso bulol (haha), kaya Sampung Mga Kadiri ang lumabas.

(illustrated by Hubert Fucio, Adarna House)

At dahil baliw kami ng tatay niya, gumawa kami ng kanta na angkop sa kanya—yung mga kadiri para sa kanya. Ayan, sabayan ninyo kami sa kanta:

SAMPUNG MGA KADIRI

Sampung mga kadiri
Daliring malagkit
Paang maputik
Matang mamuta
Ilong ng kalabaw

Panay ang kulangot
Lumulobo ang sipon
Amoy patis, amoy patis
Ang hinlalaki ni Botbot

Sampung mga kadiri
Ulong amoy panis
Maasim na kilikili
Makating puwet
Ilong ng kalabaw

Lunes, Hulyo 10, 2017

Rainrain






All week, I’ve carried the thought of you dying,
on my shoulders
and so I bow and stoop
and drag my hands

All month, I’ve carried the thought of you dying,
in my head
and so the wind howls inside
and I growl at my loves

All year, I’ve carried the thought of you dying,
in my heart
and so sampaloc leaves fall
and I laugh a little less

All my life, I’ve carried the thought of you dying,
in my soul
and so I lead you up the hill
one rainy morning
and I love a little more.