Nakatutuwang makita ang paglaki ng iyong supling, lalo na habang natututo siyang magsalita, maglakad at kumain. Araw-araw, parang may isang buslo siya ng regalo para sa amin ng tatay niya.
Habang kinakantahan ko siya ng Sampung mga Daliri, sinusubukan niyang makisabay. Kaso bulol (haha),
kaya Sampung Mga Kadiri ang lumabas.
(illustrated by Hubert Fucio, Adarna House) |
At dahil baliw kami ng tatay niya, gumawa kami ng kanta na
angkop sa kanya—yung mga kadiri para sa kanya. Ayan, sabayan ninyo kami sa
kanta:
SAMPUNG MGA KADIRI
Sampung mga kadiri
Daliring malagkit
Paang maputik
Matang mamuta
Ilong ng kalabaw
Panay ang kulangot
Lumulobo ang sipon
Amoy patis, amoy patis
Ang hinlalaki ni Botbot
Sampung mga kadiri
Ulong amoy panis
Maasim na kilikili
Makating puwet
Ilong ng kalabaw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento